Pinoy Teleseryes HUB

Welcome to Teleserye Watch your favorite Pinoy Teleserye, Pinoy Tambayan, Pinoy TV, Teleserye Replay. Keep checking back for fresh new videos update everyday. Thanks!

HOT NEWS

27.11.19

Ai-Ai delas Alas explains why she was unable to sing "Bang Bang" properly on GMA show


Nag-viral ang video ng The Clash judge na si Ai-Ai delas Alas kunsaan mapapanood itong inaawit ang song na "Bang Bang" nina Ariana Grande, Jessie J, at Nicki Minaj na hindi tama ang lyrics.
Nag-perform si Ai-Ai kasama ang all-female quartet na XOXO sa November 4 episode ng GMA-7 reality singing competition na The Clash.
Pinost ng netizen na si Budalyn L. Betita sa kanyang Facebook account noong November 7 ang video ni Ai-Ai at nakakuha na ito ng higit sa 990,000 views.
May caption ang video na "KAPAG NAKA INOM AT GUSTO MO YUNG KANTA!!!"
Imbes na magalit, natuwa pa si Ai-Ai sa pinost na video ng netizen at pinost naman niya ito sa kanyang Instagram account.
Nilagyan pa ito ni Ai-Ai ng caption na: "Hahahhahahaa ayos natawa ko dito tnx netizens ????"
Sa hiwalay na Instagram post ni Ai-Ai, inamin niya na sobra siyang na-stress noong araw na iyon kaya kaya hindi niya na-memorize ang lyrics ng "Bang Bang."
Heto ang paliwanag ni Ai-Ai:
"Magpapaliwanag ako ????????????????... inaral ko talaga to at lahat ng mga kanta ko tuwing may concert ako or number ... ewan ko ba pag na stress ako parang yung letra sa teleprompter nawawala sa paningin ko .. ( basta mahaba pa explanation ko pero sa barangay na lang ako mag papaliwanag ) at kahit anong gawin ko memorize parang d ko mamemorize kanta .. ( dumating nga ako sa point pag may concert ako kunyare november ang concert july palang nag mememorize nako ng kanta pero pag dating ng nov ganun pa din at may teleprompter pa kakaloka ) yun po hehehe basta masayang masaya kumare ko haha @lanimisalucha"
Samantala, napili na ng The Clash judges na sina Ai-Ai, Lani Misalucha at Christian Bautista ang Top 12 Clashers na binubuo nina Al Fritz (Cavite); Aljon Gutierrez (Oriental Mindoro); Antonette Tismo (Parañaque); Clark Serafin (Cebu); Janina Gonzales (Parañaque); Jeniffer Maravilla (Malabon); Jeremiah Tiangco (Cavite); Lorraine Galvez (La Union); Nef Medina (Cavite); Sassa Dagdag (Pampanga); Thea Astley (Qatar); and Tombi Romulo (Cavite).


No comments:

Post a Comment

Newest Posts