Pinoy Teleseryes HUB

Welcome to Teleserye Watch your favorite Pinoy Teleserye, Pinoy Tambayan, Pinoy TV, Teleserye Replay. Keep checking back for fresh new videos update everyday. Thanks!

HOT NEWS

25.11.19

Angel Locsin exchanges sweet messages with fiance Neil Arce

Nagkaroon ng sweet at nakakatuwang exchange of comments ang engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce sa Instagram ngayong Linggo ng hapon, November 24.
Ito ay matapos na mag-post si Angel ng isang picture sa Instagram kasama si Neil, kung saan makikita silang nagshe-share sa iisang payong.
Ang litrato ay kuha sa Rome, Italy, noong mag-perform si Angel para sa ASAP Natin 'To sa Rome show noong nakaraang linggo.
Caption ni Angel sa kanyang post, "my sunshine on a rainy day"
June 2019 nang unang ibalita ni Angel sa Instagram na nag-propose na sa kanya si Neil at nag-"yes" siya dito.
February 2018 naman nang aminin nina Angel at Neil ang kanilang relasyon.
Bago pa man nito, matagal nang magkaibigan ang dalawa.
Sa ngayon ay wala pang balita kung ano ang petsa ng kasal nina Angel at Neil.
Ayon naman sa matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana, naghahanda na raw sila ngayon para sa bachelorette party ni Angel.

No comments:

Post a Comment

Newest Posts