Pinoy Teleseryes HUB

Welcome to Teleserye Watch your favorite Pinoy Teleserye, Pinoy Tambayan, Pinoy TV, Teleserye Replay. Keep checking back for fresh new videos update everyday. Thanks!

HOT NEWS

25.11.19

Controversial female star nilalayuan na ng mga kaibigan: Nakakahiya siya!


MARAMING netizens ang nakakapansin na hindi na kumpleto ang casting ng mga kaibigan ng isang kontrobersiyal na female personality ngayon kapag nagpo-post siya ng mga retrato sa social media.
Dati kasi ay marami siyang kasama, nagkakatuwaan sila palagi, pero ngayon ay iilan na lang ang mga nakakasama niya sa retrato.
Maraming kuwento ang aming mga impormante tungkol du’n na idenay man ng kampo ng pamosong kontrobersiyal na aktres ay walang maniniwala sa kanila dahil kapos sila sa ebidensiya.
Unti-unti na palang nagkalasan sa aktres ang kanyang mga kaibigan, ilang loyalista na lang niya ang natira, mas marami ang hindi na siya dinadalaw-pi-nupuntahan ngayon.
Kuwento ng isang source, “Darating talaga ‘yun sa buhay ng babaeng ‘yun. Puro kahihiyan ang ginagawa niya, sino namang kaibigan ang magiging proud sa kanya?
“Tingnan n’yo ngayon, wala na siyang naipo-post na mga pictures nila ng mga kaibigan niya? Kasi nga, e, bumaklas na sa kanya ang karamihan, wala na ang mga dating mukha na kanomo-nomo niya, di ba?
“Natural, mula sa mga buena familia ang mga ‘yun, kaya siguro, e, ang mga pa-rents na nila ang nagpayo sa kanila ng lumayo na sa girl na ‘yun na puro kahihiyan ang ginagawa sa mundo!
“Aba, ikaw ba naman ang makipag-away sa isang place na dapat, e, nagbibigay ka ng respeto, sino namang kaibigan mo ang magiging masaya para sa iyo?
“Talagang ganyan ang mangyayari sa kanya, lalayuan siya ng mga friends niya, hindi naman kasi maipagmamalaki ang mga ginagawa niya!” unang kuwento ng aming impormante.
Iilan na lang ang natitira sa kanya ngayon, ang mga kaibigan niyang nakasahod ang mga kamay kapag may matinding pangangailangan, saka ang isang kadugo niya na reyna ng kalokahan.
Isang source naman ang nagkuwento, “Mabuti na lang at may mga kaibigan siya na sa kawalan, e, sa kanya umaasa. Kung hindi, e, maiiwan siyang nag-iisa sa buhay niya!
“Tulad din sila ng isang kadugo niya mismo na umaasa lang ng bundle of joy sa kanya, kaya nakasiksik sa laylayan niya!” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pasok na sa banga kung sino siya, may iba pa ba?

No comments:

Post a Comment

Newest Posts