Pinoy Teleseryes HUB

Welcome to Teleserye Watch your favorite Pinoy Teleserye, Pinoy Tambayan, Pinoy TV, Teleserye Replay. Keep checking back for fresh new videos update everyday. Thanks!

HOT NEWS

25.11.19

Former Big Bang member Seungri accused of illicit overseas gambling


Humarap sa Seoul police ngayong Miyerkules, August 28, ang naeskandalong former K-pop star na si Seungri kaugnay ng bagong akusasyong kinakaharap niya: illicit overseas gambling.
Iniimbestigahan ngayon ang 28-anyos na dating miyembro ng K-pop group na Big Bang dahil sa umano’y pagsusugal sa mga high-end casinos sa Las Vegas sa Amerika.
May nangyari umanong illegal foreign exchange transactions sa ginawang ito ni Seungri, ayon sa report ng Agencé France-Presse (AFP).
Bandang 10:00 ng umaga KST (Korean Standard Time) nang dumating si Seungri—Lee Seung Hyun ang tunay na pangalan—sa Sophisticated Crime Investigation Division ng Seoul Metropolitan Police Agency, ulat ng top K-pop news website na Soompi.
Ayon sa report ng Soompi, sandaling huminto si Seungri sa harap ng mga nagkumpulang reporters at sinabi, “I will diligently cooperate with the police investigation.”


Alinsunod sa kulturang Korean, ginagawa ang polite bow bilang pagbati, pagbibigay-respeto, pasasalamat, o paghingi ng tawad.
Sa paghingi ng paumanhin, dapat na kasama ang kalahati ng katawan sa pagyuko ng ulo, at mananatiling nakayuko ng hanggang tatlong segundo, ayon sa TheKoreaTimes.
Wala namang direktang pahayag si Seungri sa media tungkol sa bagong akusasyong kinakaharap niya.

SEUNGRI’S FORMER BOSS FACES THE SAME ALLEGATION

Sabit din sa kaso si Yang Hyun Suk, ang founder at dating chief executive officer ng talent agency ni Seungri na YG Entertainment.
June 15, 2019 nang magbitiw sa puwesto si Yang Hyun Suk bilang CEO ng YG Entertainment, makaraang madawit sa hiwalay na kaso ng sex at drug scandals.
Ayon sa report ng Soompi nitong August 24, nag-ugat ang alegasyon ng illicit overseas gambling nang ipaalam ng United States Department of the Treasury sa mga Korean authorities ang pagbili umano nina Seungri at Hyun Suk ng malaking halaga ng casino chips.
Sa kabila ng malaking halagang ipinambili ng casino chips, walang record na may nanggaling na pera mula sa Korea para sa nasabing transaksiyon, ayon pa rin sa ulat ng Soompi.
Bukas, August 29, nakatakdang humarap sa pulisya si Hyun Suk para maimbestigahan sa parehong akusasyon, iniulat ng AFP.
Bukod pa rito, iniulat ng Soompi na nag-iimbestiga rin ang Korean National Police Agency sa posibilidad na ginamit ni Hyun Suk ang pondo ng YG Entertainment USA para sa nasabing transaksiyon sa casinos sa Las Vegas.
Wala pang inilalabas na pahayag ang YG Entertainment o YG Entertainment USA sa usapin, habang isinusulat ang balitang ito.
Ilegal ang pagsusugal sa Korea, at saklaw pa rin ng batas ang mamamayan nito kahit pa nasa ibang bansa sila, ayon sa TheKoreaTimes.
Batay sa umiiral na batas sa Korea, ang sinumang mapatutunayang nagsugal ay maaaring pagmultahin ng hanggang 10 million won (PhP430,000), habang ang habitual gamblers ay makukulong ng hanggang tatlong taon at pagmumultahin ng aabot sa 20 million won (PhP860,000).

THE SCANDAL THAT LED TO SEUNGRI’S RETIREMENT

March 11, 2019 nang ihayag ni Seungri sa social media ang pagreretiro niya sa K-pop industry, makalipas ang sampung taon.
Nagretiro si Seungri isang araw ang nakalipas matapos siyang kasuhan ng "sex bribery," o pagkuha sa serbisyo ng prostitutes para sa mga lalaking investors sa kanyang kumpanya, ang Yuri Holdings, noong 2015.
Ilegal ang prostitusyon sa South Korea.
Mariin namang itinanggi ni Seungri ang nasabing akusasyon.
Nauna rito, Pebrero 2019 nang kuwestiyunin ng Korean police si Seungri sa mga ulat ng hayagang paggamit ng droga at insidente ng sexual assault sa Burning Sun club, kung saan nagsisilbi siyang public relations director, ayon sa report ng BBC (British Broadcasting Corporation).
Idiniretso na ng pulisya sa prosekusyon ang mga kaso ni Seungri nitong June, at iginiit na kasuhan ang dating Big Bang member.
Dinugtungan ito ni Seungri, “I apologize,” ‘tsaka nagsagawa ng “polite bow”.

No comments:

Post a Comment

Newest Posts