Pinoy Teleseryes HUB

Welcome to Teleserye Watch your favorite Pinoy Teleserye, Pinoy Tambayan, Pinoy TV, Teleserye Replay. Keep checking back for fresh new videos update everyday. Thanks!

HOT NEWS

25.11.19

Korean actor Ji Chang Wook posts selfie with Manny Pacquiao; Jinkee Pacquiao goes fangirling again


Nakipag-selfie ang Korean actor na si Ji Chang Wook sa Pinoy pride nating si Senator Manny Pacquiao.
Proud na ipinost ng 32-anyos na bida ng Korean drama na Melting Me Softly sa Instagram ngayong Miyerkules, October 30, ang litrato niya kasama ang eight-division world boxing champion.
Sa picture, makikitang nagbigay si Manny kay Chang Wook ng items na may autograph niya.
Sa translated na caption ni Chang Wook, isinulat niya: “Pacquiao came to visit the scene of Softly!! Thanks (praying hands emoji) @manny pacquiao.”
Kasama rin nina Manny at Chang Wook sa naturang litrato ang dalawa pang cast ng Melting Me Softly, na umeere ngayon sa tvN ng South Korea.

PACQUIAO FAMILY IN KOREA

Nasa Korea ngayon si Manny kasama ang asawang si Jinkee Pacquiao, na self-confessed die-hard fan ni Chang Wook.
Sa katunayan, nasa Instagram Story rin ni Chang Wook ang pagbisita ni Manny sa set ng kanyang serye, bitbit ang banner na may picture ng Korean actor.
May caption na “Thanks,” nakasulat sa banner ang pangalan ni Jinkee at ang mga salitang “Jichangwook forever.”
Kasama nina Manny at Jinkee sa Korea ang tatlong nakababata nilang anak na sina Queen, Mary, at Israel.
Sa katunayan, may sariling Instagram post si Jinkee ngayong Miyerkules ng litrato nilang mag-anak kasama si Chang Wook.
Caption ni Jinkee: “Happy to see you again @jichangwook (two smiling with three hearts, smiling with stars in eyes emojis).”

JINKEE FANGIRLS OVER CHANG WOOK

December 27, 2017 nang unang makaharap nang personal ni Jinkee ang hinahangaang Korean actor makaraan siyang bigyan ni Manny ng surprise dinner kasama si Chang Wook.
Advance birthday gift daw iyon ng senador sa asawa, na ibinahagi lang ni Jinkee sa publiko pagsapit ng June 2018.
Nagbida si Chang Wook sa mga Korean drama na Suspicious Partner (2017), Healer (2014-2015), Empress Ki (2013-2014), at Smile Again (2010-2011).

No comments:

Post a Comment

Newest Posts