Pinoy Teleseryes HUB

Welcome to Teleserye Watch your favorite Pinoy Teleserye, Pinoy Tambayan, Pinoy TV, Teleserye Replay. Keep checking back for fresh new videos update everyday. Thanks!

HOT NEWS

25.11.19

YouTuber Bretman Rock expresses dismay after fans crashed father's wake for photos; asks for privacy


Idinaan ng YouTube star na si Bretman Rock sa Twitter ang paghiling ng privacy habang ipinagluluksa ang pagkamatay ng kanyang ama.
Ito ay matapos dumagsa ang fans sa lamay ng ama para makapagpa-picture kasama siya.
Huwebes ng gabi, November 21, nag-tweet ang 21-anyos na Pinoy online sensation upang umapela sa publiko na bigyan siya ng pagkakataong ipagluksa ang kanyang ama.
Nasa Pilipinas ngayon ang Hawaii-based vlogger-influencer makaraang pumanaw kamakailan ang kanyang ama.
Tubong Cagayan ang pamilya ni Bretman.
Tweet ni Bretman (published as is): “Can people just let me be sad for onces....
“I’m here in the Philippines for my dad who just passed, don’t come to my house and ask me for pictures.”
Ayon sa sikat na beauty guru, maraming tao na hindi kilala ng kanilang pamilya ang dumagsa sa kanilang bahay kung saan nakaburol ang kanyang ama.
Dagdag niya, kinuhanan umano ng litrato ng mga tao ang kanyang pamilya, at ang nakaburol niyang ama.
Saad sa tweet ni Bretman: “[So] many people showed up to my dads funeral uninvited and started taking pics of my dad and my family.. Like why?It’s common sense”
Ang tweet na ito ni Bretman ay umani ng 330,000 reactions, may 41,000 retweets, samantalang mahigit 3,000 ang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng YouTube star.

“CONDOLENCES, CAN WE TAKE A PICTURE?”

Sa kasunod na tweet, sinabi ni Bretman: “I just don’t understand why people think it’s okay to ask me for pictures when my eyes are literally swollen from crying ... how you you gonna say ‘condolences , can we take a picture ?’”
November 6 nang ihayag ng online sensation sa Twitter na nasa "critical condition" at comatose ang kanyang ama.
Ito ay nang sagutin ni Bretman ang isa niyang fan na nag-alala kung bakit hindi siya aktibo sa Instagram nang araw na iyon.
Nag-sorry siya sa fan at nagpaliwanag: “I’m just kinda taken back and taking time for myself and family !! (stars and hearts emojis).”

BEAUTY INFLUENCER OF THE YEAR

Noong nakaraang linggo, kinilala si Bretman bilang Favorite Beauty Influencer for 2019 sa E! People's Choice Awards (PCA) sa Los Angeles, California.
Tinalo niya ang iba pang sikat na beauty YouTubers tulad nina Jeffree Star, James Charles, at Nikita Dragun.
Sa Instagram post nitong November 11, sinabi ni Bretman na iniaalay niya sa kanyang ama ang natanggap na award.
Post ni Bretman: “I want to dedicate this award to my dad who has always supported and loved me unconditionally.”
Mensahe niya sa ama: “I love you so much and I will always be grateful for allowing me to express myself and defended me whenever haters said anything (pleading face emoji)
“This one is for you Papa (dove, sparkles emojis) I hope I make you the proudest.”
Sumikat si Bretman sa kanyang make-up tutorials at mga nakakatawang vlogs.
May 6.7 million subscribers ang kanyang YouTube channel, habang nasa 13.8 million ang followers niya sa Instagram, at four million naman sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Newest Posts