Tatlo ang patay sa magkahiwalay na insidente ng pagkalunod sa bayan ng Sariaya sa lalawigan ng Quezon nitong araw ng Linggo at gabi noong Sabado.
Sa isang insidente, dalawang matanda ang nalunod nito lamang umaga sa isang beach sa Barangay Castañas.
Nagpi-picnic umano dakong 7:30 ng umaga ang dalawang biktima na taga-Rosario, Batangas.
Photos from Sariaya MDRRMO
Maswerte namang naka ligtas ang isang bata na kasama ng dalawa.
Sinubukan pa umano ng mga kasamahan ng mga biktima na dalhin ang isa sa pagamutan subalit idineklara itong dead in arrival.
Sinubukan namang i-revive ng mga rescuer ang isa pa subalit hindi na rin kinaya.
Ipinahayag ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Sariaya na posibleng hindi kinaya ng mga nalunod ang malakas na current ng dagat.
Samantala, isang picnic-goer din ang nalunod Sabado ng gabi sa Barangay Guisguis sa bayan din ng Sariaya.
Magkalapit lamang umano ang dalawang lugar kung saan nangyari ang mga insidente ng pagkalunod.
Ayon sa barangay officials ng Guisguis, ilang oras na hinanap ang biktima bago ito natagpuang patay na, at posible umanong nakainom ng alak ang bikitima.Binata na taga-Candelaria ang biktima ng pagkalunod noong Sabado ng gabi, ayon sa paunang imbestigasyon.
Inaasahan na dadagsa ang maraming bakasyunista ngayong Semana Santa sa mga beach resorts ng Sariaya, ayon sa local officials ng bayan.
Kaya payo nila sa mga naliligo na mag doble ingat upang hindi maaksidente at huwag din umanong maligo sa dagat na nakainom ng alak. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News
No comments:
Post a Comment