Pinoy Teleseryes HUB

Welcome to Teleserye Watch your favorite Pinoy Teleserye, Pinoy Tambayan, Pinoy TV, Teleserye Replay. Keep checking back for fresh new videos update everyday. Thanks!

HOT NEWS

25.11.19

Operasyon ng 'bookies' sa Sariaya, Quezon ni-raid ng NBI

Sinalakay ng NBI Lucena nitong Sabado ng umaga ang isang bahay sa Barangay Guis-Guis, Sariaya, Quezon na nagsasagawa ng bookies o iligal na pasugalan. Arestado ang mag-asawang Arvin Greta at Maricris Greta na naaktohang nagre-rebisa ng mga taya at nagbibilang ng perang koleksyon sa iligal na gawain.
Photos by Peewee Bacuño
Photos by Peewee Bacuño

Ayon sa NBI Lucena, isang buwan na nilang sinusubaybayan ang gawain sa bahay ng mag-asawa. Nagrereklamo na raw kasi ang PCSO [Philippine Charity Sweepstakes Office] at namamahala sa STL [small town lottery] sa Sariaya dahil sa maliit na nilang income.
Ang ginagawa raw kasi ng mag-asawa ay hindi inire-remit ang lahat ng koleksyon sa STL Sariaya at sila na mismo ang nagpapaikot sa pera. Pinapalabas raw ng mga suspek na konti lang ang tumataya kung kaya maliit lang ang kanilang remittance.
Sa bisa ang isang search warrant mula sa RTC Lucena ay hinalughog ng NBI ang buong bahay at doon nakita ang mahigit sa 30,000 pisong koleksyon, mga papel na ginagamit sa pagpapataya, logbook at isang cellphone na ginagamit sa operasyon. Gumagamit raw ng social media ang mag-asawa sa kanilang iligal na gawain.
Naaresto rin ng NBI ang isang nagpakilalang Jodie na kasabwat raw ng mag-asawa. Si Jodie ang naghahatid sa tanggapan ng STL ng kulang na koleksyon. Naharang ito ng NBI habang patungo sa tanggapan ng STL.
Ayon pa sa NBI, malaki raw ang nawawala sa gobyerno dahil sa mga ganitong gawain.
Nahaharap raw sa kasong paglabag sa PD 1602 in relation to Cyber Crime Law.

Ayon naman sa ilang kapit-bahay ng mag-asawa ay mababait at matulungin raw ang mga ito. Hindi raw nila alam na bawal pala ang ginagawa ng mga ito.Aalamin rin ng NBI kung may kinalaman sa operasyon ang may-ari ng bahay ng naarestong mag-asawa. Kasalukuyang kagawad ng Barangay Guis-Guis ang may ari ng bahay. Imposible raw na hindi nito alam ang operasyon ng bookies.
Wala rin daw alam ang Barangay Captain sa lugar nang makausap ng GMA News.
Tumangging magbigay ng pahayag ang naarestong mag-asawa na nasa kustodiya ngayon ng NBI Lucena. —LBG, GMA News

No comments:

Post a Comment

Newest Posts