Pinoy Teleseryes HUB

Welcome to Teleserye Watch your favorite Pinoy Teleserye, Pinoy Tambayan, Pinoy TV, Teleserye Replay. Keep checking back for fresh new videos update everyday. Thanks!

HOT NEWS

25.11.19

Bea sa panggo-ghosting ni Gerald: Wala na akong kinatatakutang multo ngayon

GERALD ANDERSON AT BEA ALONZO
UMULAN ng hugot lines ang guesting nina Angelica Panganiban at Bea Alonzo sa Gandang Gabi, Vice last Sunday.
Napag-usapan kasi ang tungkol sa relationships as they were promoting their latest movie “Unbreakable”.
“May nagmulto ba?” tanong ni Vice Ganda kay Bea.
“Wala na. Tapos na tayo sa multo. Wala na akong kinakatakutang multo ngayon. Wala na, liwanag na ‘yung nakikita ko. Ang tagal kong nasa dilim, eh,” makahulugang sagot ni Bea.
Vice acknowledged the fact na may mga kumakapit at naging inspirasyon sina Angelica at Bea, “Isa ako sa mga tao na hindi ko lagi sinasabi ang nararamdaman ko but when you free yourself of that void, kahit paano ay mayroon kang natutulungan.
“Kahit paano ay mayroon ding tutulong sa iyo. Mayroon magko-console sa iyo and it feels so much better that ang feeling mo ay hindi ka nag-iisa. Saka, na-realize ko sila ‘yung mahiya, hindi kami,” dagdag pa niya na ikinatuwa ng audience.
“Alam mo minsan ‘yung mga pains na pinagdaanan mo, ‘yung mga hardships, mare-realize mo na lang kung bakit mo siya kailangang pagdaanan ang bakit and bakit kailangan itong makita ng public.
“Kasi may mga tao ka palang nai-inspire. ‘Ah, kahit pala sila mga artista, ganito rin pala ang nararamdaman nila, katulad din ng nararamdaman ngh mga tao,” paliwanag naman ni Angelica.

No comments:

Post a Comment

Newest Posts