Nanalo bilang first runner-up si Ella Lubag ng Pilipinas sa ginanap na world finals para sa female division ng 2019 Global Asian Model (GLAM) search.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ella pagkatapos ng world finals noong Huwebes ng gabi, November 21, sa The Cove ng Okada Manila sa Pasay City.
“Masaya po,” ang umpisang bulalas ni Ella, “na out of twenty countries, thirty eight contestants, I was still part of the top five so it’s still a big accomplishment."
After this, patuloy niyang ipu-pursue ang kayang goal. Aniya, “...I’m still pushing to be an international model.”
Paano niya ito isasakatuparan?
“Actually there have been agencies na who are talking to me, one is wanting me to fly to LA [Los Angeles], yung isa, hindi pa alam kung ano’ng bansa, but we’ve already talked about it, so I’m so excited for it,” ang masayang pagbabalita ni Ella.
Samantala, nanalo namang third runner-up sa male division ang kinatawan ng Pilipinas na si Vince Marcelo.
Ang grand winners ay parehong mula sa bansang Thailand, sina Falco Sornnarin (male division) at Artittaya Promchart (female division).
Ang first-ever GLAM search, na isang international modelling competition ng mga modelong may kulturang Asyano, ay may mga contestants na nagmula pa sa mga bansang Nepal, Italy, South Korea, Canada, Vietnam, Western Australia, Cambodia, Germany, Japan, Malaysia, Singapore, New South Wales, Egypt, at USA, among others.
Bukod kay Falco, Artittaya, Ella, at Vince ay nanalo rin ang iba pang delegates mula sa Japan (first runner-up sa male division si Alexander Tomohiro at second runner-up sa female division si Runa Matsui); Singapore (second runner-up sa male division si Luke Pereira); USA (third runner-up sa female division si Anyssa Mendez); Vietnam (fourth runner-up sa male division si Tran Quang Thang at fourth runner-up sa female division si My Duyen).
Samantala, tinanong namin si Ella kung may plano ba siya na pasukin ang pag-aartista?
Ang sagot ng dalaga, “As of now baka hindi pa po. I wanna focus more and grow more sa modelling. And then let’s see what will happen after modelling.”
Nag-graduate sa kursong Chemical Engineering sa University of the Philippines Los Banos si Ella last year.
Hindi ba niya ipu-pursue ang kursong tinapos niya para maging chemical engineer?
“I love doing modelling, e.”
Fallback niya kung sakali ang maging chemical engineer.
“I’m still planning to take the board exam, maybe next year, kung kaya.”
During the world finals, ano ang agad na pumasok sa isip niya noong tawagin siya bilang first runner-up?
“To be honest, I was a bit disappointed,” pag-amin ni Ella.
“Of course, I wanted to win. Pero I was praying the whole night, sabi ko, ‘Lord, kayo na ang bahala! I wanted to do my best pero whatever the result, help me to accept the results.’ So after that, okay na ako!
"I’m still thankful for this night for achieving first runner-up. First runner-up is still a big thing.”
Bukod sa kanya, sino ang inisip niyang mananalo?
“Actually, si Thailand. Ang ganda din ng face niya, super model. Isa din si Canada.”
Sasali pa ba si Ella sa iba pang modelling competition?
“Well, if an opportunity comes, and okay naman siya, and if it would help my career, why not?”
Target rin ni Ella na sumali sa Binibining Pilipinas.
“Maybe two or three years from now. I just wanna try it,” pahayag pa ng twenty-three-year-old lass from Laguna.
No comments:
Post a Comment