Pinoy Teleseryes HUB

Welcome to Teleserye Watch your favorite Pinoy Teleserye, Pinoy Tambayan, Pinoy TV, Teleserye Replay. Keep checking back for fresh new videos update everyday. Thanks!

HOT NEWS

25.11.19

Bianca Manalo, Senator Sherwin Gatchalian celebrate first anniversary as a couple

Kumpirmadong may relasyon ang beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo, 31, at si Senator Sherwin Gatchalian, 45.
Sa katunayan, nag-celebrate ng kanilang unang anibersaryo ang magkasintahan nitong Miyerkules, November 20.
Si Bianca mismo ang nag-post sa Instagram tungkol sa anibersaryo nila ng mambabatas.
Mensahe ng Ang Probinsyano actress: “Imagine being loved the way you love.”
Kalakip ito ng larawan nilang nakatalikod habang naglalakad na magkahawak-kamay.

THE LOVE STORY

Unang bahagi ng 2018, ang boyfriend pa ni Bianca ay si Pandan, Antique Mayor Jonathan Tan.
Naging national issue pa nga ang kanilang relasyon dahil sa aksidenteng paglubog ng sinakyan nilang speedboat habang nag-a-island hoping sa karagatan ng Culasi noong Marso 2018.
Ngunit matapos ang insidente, wala nang balita tungkol kay Bianca at sa alkalde.
Hanggang sa namataan ng ilang netizens na magka-date si Bianca at si Senator Gatchalian noong November 2018, o isang taon ang nakalilipas.
Sunud-sunod na rin ang sightings ng dalawa—buwan ng Abril 2019 dito sa Pilipinas at Hunyo 2019 naman sa Hong Kong.
Noong Oktubre 10, magkasama ang dalawa sa 50th birthday celebration ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero sa The Blue Leaf Cosmopolitan, sa may Quezon City.
Ngunit makalipas ang ilang oras, binura rin ni Bianca ang kanyang post.

No comments:

Post a Comment

Newest Posts