Unti-unti nang pinapasok ng mga anak ni Sunshine Cruz, 42, na sina Angelina (18), Samantha (15), at Chesca (13) ang showbiz.
Sina Angelica, Samantha, at Chesca ay mga anak ni Sunshine sa dating asawang si Cesar Montano.
Si Angelina ay isa nang ganap na recording artist, endorser, at may kontrata rin sa Star Cinema.
Pipirma na rin si Samantha ng kontrata sa isang recording company.
Nitong November 20, Miyerkules, ini-launch si Sunshine at ang kanyang tatlong anak bilang endorsers ng Em-core Dotnet, isang direct marketing company ng health and wellness products.
Dito ay inusisa si Sunshine ng entertainment press kung nagpaalam ba siya sa ama ng kanyang mga anak para sa bagong endorsement nila.
Noong una ay may agam-agam pa si Sunshine na sumagot sa presscon proper, pero pahayag niya, “I’m officially single with kids.
“I know naman, nakikita ng lahat na napapalaki ko nang maayos ang mga anak ko, mga anak namin…
“And siguro naman by now, nakita naman niya na puwede akong pagkatiwalaan when it comes to decision-making.
"So, I don’t think naman na merong magre-react.”
Sinagot din ni Angelina ang tanong kung magre-react ba ang ama niya sa endorsement nila.
Saad niya, “No, I don’t think so naman po.
“I’m pretty sure he knows that I already work on my own and he respects that.
“He’s proud of me, so I really feel he wouldn’t mind naman that we have an endorsement as a family, together with my mom.
“Maybe he’s even proud.”
CONSULTING WITH CESAR
Pagkatapos ng presscon proper, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine at ang tatlo niyang anak kung kailangan pa nilang konsultahin si Cesar tungkol sa unti-unti na nilang pagpasok sa showbiz.
Unang sumagot si Sunshine.
Pahayag niya, “Sa totoo lang naman, kung gugustuhin man nilang mag-usap o magkita, it’s really up to them.
“Sinasabi ko nga sa kanila, 'Whatever happens, dad niyo na naman ‘yan…'
“So pag birthday, Christmas, lahat, binabati naman nila…
“Nagti-text sa kanila, nagme-message sa kanila, sabi ko, ‘Reply-an niyo kasi tatay niyo ‘yan.’
“So, wala namang problema sa akin.
“But since grown-up na ang mga ‘to, mga teenagers na, it’s really up to them.
“But never ko naman sila pinagbawalan na makipag-communicate sa ama nila.”
Nauunawaan ba ito ni Cesar at supportive ba ito sa gusto ng kanyang mga anak?
Sagot ni Samantha, “Yeah, actually, he’s really supportive.
“Though we may not see him a lot, he’s still our father.
“We love him and he’s free to see us anytime and, like, just hang out.
"And I’m sure he’s supportive with whatever what we want to do.”
No comments:
Post a Comment