Pinoy Teleseryes HUB

Welcome to Teleserye Watch your favorite Pinoy Teleserye, Pinoy Tambayan, Pinoy TV, Teleserye Replay. Keep checking back for fresh new videos update everyday. Thanks!

HOT NEWS

25.11.19

Pia Wurtzbach to skip Miss Universe 2019 grand coronation


Hindi makakapunta si Pia Wurtzbach sa coronation night ng Miss Universe 2019 sa Atlanta, Georgia sa susunod na buwan.
Kumpirmadong hindi dadalo sa event sa December 8 ang Miss Universe 2015 dahil nasa Japan siya sa araw na iyon para sa isang tourism project ng gobyerno ng Japan.
Ito ang kinumpirma ng 30-anyos na Fil-German beauty queen sa kanyang Instagram follower na nagtanong kung may ticket na ba siya sa pageant.
Sagot ni Pia (published as is): "[I] will not be watching miss universe this year (two frowning face emojis)"
Ang tanong ng netizen ay nasa comment section ng post ni Pia nitong November 23 tungkol sa dinaluhan niyang special event ng Thai Red Cross AIDS Research Centre (TRC-ARC) sa Bangkok.
Paliwanag ni Pia: “[My] travel show was invited by the tourism board of japan to feature a festival in Fukuoka.”
Aniya, na-release na ang kanyang working visa bago pa naihayag ng Miss Universe Organization (MUO) nitong November 1 ang petsa at lugar ng coronation night.
“Our working visas were released already before MUO announced the date and venue,” saad pa sa post ni Pia.
Nagpahayag ng panghihinayang ang ikaapat na Pinay Miss Universe dahil inalok siya ng MUO para maging backstage host sa event.
“MUO invited me to be backstage host with CHI and I really want to!” aniya, binanggit ang isang haircare brand.
“BUT it would also be impolite for me to cancel my trip to Japan. Government invitation yun. At may mga visa na kami.”
Dagdag ni Pia, “Sayang. If i had known sooner baka nagawan ko pa ng paraan. (three disappointed face emojis)”

BACK-TO-BACK WIN?

Dahil dito, hindi personal na masasaksihan ni Pia ang paglilipat ng korona ng ating reigning queen na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Umaasa ang Pilipinas ng back-to-back win sa pambato ng bansa na si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.
Kapag nagkataon, si Gazini ang magiging ikalimang Pinay Miss Universe, kasunod nina Catriona, Pia, Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).

No comments:

Post a Comment

Newest Posts