Pinoy Teleseryes HUB

Welcome to Teleserye Watch your favorite Pinoy Teleserye, Pinoy Tambayan, Pinoy TV, Teleserye Replay. Keep checking back for fresh new videos update everyday. Thanks!

HOT NEWS

25.11.19

Ryza Cenon's self-love campaign gains support from netizens


Dumadami ang sumusuporta sa "self-love" campaign ni Ryza Cenon.
Ito ay kasunod ng pagpu-post ni Ryza nitong November 23 ng tatlong litrato niya habang suot ang isang “engagement ring.”
Caption ni Ryza sa litrato niya: “I said YES! to give my full commitment to love myself before I give my heart to a person.
“I’m engaged with myself.”
Kinabukasan, November 24, ipinost ni Ryza sa kanyang Instagram wall at maging sa Stories ang litrato ng netizens na suot ang kani-kanilang self-love ring.
Sa post ng 31-anyos na aktres nitong Linggo, sinabi niyang ang commitment sa pagmamahal sa sarili “is for everyone, not just for singles.”
Payo pa ni Ryza, “Treat yourself, pamper yourself and do whatever that makes you happy.
“Each of us needs a break and deserves some me time. #selflove #selflovering #selfcare #selfpartnered”
Ipinost din ni Ryza sa kanyang Instagram Stories ang fans na nag-tag sa kanya sa kani-kanilang “self-love” post, habang may suot na singsing.












RYZA WANTS NEXT BOYFRIEND TO BE HER LAST

Ang aktor na si Cholo Barretto ang huling nakarelasyon ni Ryza, na napaulat na nakahiwalay niya noong huling bahagi ng 2018.
Pebrero 2019 nang kinumpirma ni Ryza ang hiwalayan.
Co-stars sina Ryza at Cholo sa nagtapos na ABS-CBN teleseryeng The General's Daughter.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Oktubre, sinabi ng Kapamilya actress na wala pa sa plano niya sa kasalukuyan ang makipagrelasyong muli.
Pero sakaling magkakaroon siya ng bagong boyfriend, sinabi ni Ryza na ayaw na niya ng taga-showbiz, at kung maaari ay “sana last na” ang susunod na makakarelasyon niya.
“Kung magkakaroon ako ng bagong boyfriend, sana non-showbiz at sana last na, kasi ang tanda ko na,” sinabi ni Ryza sa interview sa kanya ng PEP Cabinet Files noong October.
Ise-celebrate ng StarStruck alumna ang kanyang 32nd birthday sa December 21.

No comments:

Post a Comment

Newest Posts