PHOTO/S: PHOTO GRABBED FROM YOUTUBE
Nananatiling positibo si Gazini Ganados kahit nabigo siyang masungkit muli para sa Pilipinas ang Miss Universe 2019 crown.
Hanggang Top 20 lamang umabot ang pambato ng Pilipinas sa prestihiyosong international beauty pageant.
Hinirang na Miss Universe 2019 si Zozibini Tunzi ng South Africa.
Ginanap ang Miss Universe 2019 sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, USA, Linggo ng gabi, December 8 (Lunes ng umaga, December 9, sa Pilipinas).
Ayon kay Gazini, ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa pageant.
“This experience has been so fun, kahit na ten days lang siya…
“I know that I did my best,” pahayag ni Gazini sa interview sa kanya ng ABS-CBN reporter na si Dyan Castillejo, na ipinost nito sa Instagram ngayong Lunes.
Patuloy ng Cebuana beauty queen, “I changed outfit four times a day. Iba-iba outfit every hour, ganoon.
“Well, what I learned from this batch, no matter what happens, if you win or not, you still have a sister in everyone.
“So that’s what I really love about everyone’s personality… everyone’s unique.”
Sabi pa ni Gazini, “And I’m so happy [for] Zozibini.”
GAZINI’S MISS UNIVERSE PERFORMANCE
Ikinalungkot ng maraming Filipino pageant fans na hanggang Top 20 lamang ang inabot ni Gazini.
Maitururing na avid supporters ang mga Pinoy sa Philippine representatives na ipinadadala sa Miss Universe taun-taon.
Pero hindi naman umuwing luhaan si Gazini dahil hinirang siyang Best National Costume.
Suot ni Gazini ang Philippine eagle-inspired wardrobe na likha ng Filipino designer na si Cary Santiago.
Nagkaroon pa ng pagkakamali nang ianunsiyo ng host na si Steve Harvey na winner sa Best National Costume ang Philippines.
Matapos i-announce ang winner sa national costume category, ang katabi niya ay si Miss Malaysia para sa interview portion.
Bunsod ng kalituhang ito, nagpaliwanag si Steve na binasa lamang niya ang nakasulat sa teleprompter.
Maging ang Miss Universe Organization mismo ay tila nalito dahil sa official Twitter account nito ay inanunsiyong si Miss Malaysia ang winner sa National Costume.
Ilang oras pagkatapos nito ay nilinaw ng MUO via Twitter na tama ang announcement ni Steve na si Miss Philippines ang nanalo sa Best National Costume.
Burado na sa Twitter feed ng MUO ang unang tweet na si Miss Malaysia ang hinirang na winner.
No comments:
Post a Comment